• SIOMAI

Grabe. Bata palang ako peyborit ko na yang siomai. :) Kaya ko umubos ng 20 na ganyan isang kainan. Walang pahinga. =)) hahaha. Nung bata ako minsan pag mag-gogrocery kame, ayoko sumama sa loob ng grocery. Sa labas kasi nun may mga kainan. Tapos papaiwan nalang ako dun hihingi akong pera. Iiwanan ako ni mamy  sa siomai house tapos kaen ako  hanggang sa gusto ko =))) After nila maggrocery tsaka babayaran kung ilan nakain ko. hahaha. Ang sarap kaya nan~

  • ISAW

Isa pa tong isaw na yan. =)) Dati di ko gusto mga ganyan ee. Kasi pinagbabawalan ako dahil madumi daw. Eh depende naman sa paglilinis yun diba? Naadik ako  diyan nung bata ako kasi may nagihawihaw na kapitbahay namen. Edi wala kong magawa kundi bumili araw araw =)) hahaha!  Saka mas madumi yung sauce niyan. Kasi kung sino sinong tao ang suma-sawsaw after kagatin yung isaw. So mas okay pag di ka na sumawsaw yun lang, hindi masarap. :) Mas okay kasi pag may sauce ee. Hahaha :)

  • BOPIS

Eto talaga pinaka-peyborit ko salahat ee =))) Nung highschool naaalala ko nakaka-20 akong bopis sunod sunod. Araw araw bago umuwi. Tas isang araw sumakit yung batok ko  =)) Na-highblood ako. Ayun tinigil ko  muna. Pagagalitan ako ng tatay ko pag nalamang kumakaen ako ng mga ganyan. Madumi daw ee. =)) Eh ano naman masarap naman. Hahaha! :) Gusto ko na uli makatikim niyan. :( Mass gusto  ko walang kanina. Mas masarap pag di mo  inulam yan. :D

  1. beckymonster reblogged this from anghelnabipolar
  2. anghelnabipolar reblogged this from danggurt
  3. traveler005 reblogged this from danggurt
  4. danggurt posted this